-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Masayang ibinahagi ng ina nang babaeng kadete mula South Cotabato na nanguna sa Philippine Military Academy ang tagumpay na nakamit ng kanyang anak sa loob ng academya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Dr. Loveleih Quemado, ina ni Cadet 1CL Krystlenn Ivany Quemado, Class Valedictorian ng BAGSIK-DIWA (Bagong Sibol sa Kinabukasan Mandirigma Hanggang Wakas) Class of 2022, walang pagsidlan ang kanilang ligaya sa karangalang nakamit nga kaniyang anak na tubong South Cotabato.

Si 1CL Quemado ay tatanggap ng Philippine Navy Saber at Jusmag Saber habang nakuha rin niya ang Australian Defence Best Overall Performance Award, Spanish Armed Forces Award, Agfo Award, Academic Group Award, Humanities Plaque, Management Plaque, Social Sciences Plaque, at Navy Professional Courses Plaque.

Siya ang ika-7 babae kadete na nag-top sa pangunahing military training institution sa bansa.

Isa si Quemado sa 3 mga kadete na galing sa South Cotabato na kabilang sa kanilang klase.

Ayon pa sa ina nito,napuno ng pagabati galing sa kanilang mga kamag-anak at kakilala nito ang kanyang cellphone.

Maliban dito proud na proud rin ang mga taga-South cotabato sa naabot ng babaeng kadete.

Nagpaabot naman nga pasasalamat si Dr. Loveleih Quemado sa lahat ng sumuporta at bumati sa kanilang anak at sa naabot nito.

Ang BAGSIK-DIWA (Bagong Sibol sa Kinabukasan Mandirigma Hanggang Wakas) Class of 2022 ay binubuo ng 214 na kadete mula sa nasabing bilang 165 ang kalalakihan at 49 naman ang kababaihan, 104 naman na kadete ang papasok sa AFP,53 sa PAF at 57 sa Philippine Navy.

Magtatapos naman ang BAGSIK-DIWA (Bagong Sibol sa Kinabukasan Mandirigma Hanggang Wakas) Class of 2022 sa darating na linggo May 15 2022 kung saan nakatakdang dumalo si Pangulong Duterte.