-- Advertisements --

DAVAO CITY – (UPDATE) Inilabas na ng SITG Bragas ang pangalan ng mga akusado sa panggagahasa at pagpatay sa arkitektong si Vlanche Marie Bragas sa Calinan, Davao City.

Positibong kinilala ni Davao City Police Office director Colonel Albert Lupaz ang mga suspect na sina Renato Bayansao alyas Empoy, ang driver ng yellor Trike bike; Dennis Panzan, at Kent Espinosa, at isang hindi pa nakilala.

Una nang naaresto si Renato Bayansao alyas Empoy sa isang buy-bust operation isang linggo matapus ang krimen. Samantala hanggang ngayon patuloy pa ring pinaghahanap si Espinosa na umanoy tinangay ng mga di pa nakilalang mga suspect, habang si Panzan naman ay patay na matapos makatakas sa umanoy mga tao na dumukot rin sa kanya.

Basi sa salaysay ng dalawang mga witnesses, sakay ng Yellow Trike Bike ang tatlong mga suspect kasama si Bragas pasado alas 10 ng gabi noong May 17, 2023 kung saan kinaumagahan nadiskobre ang bangkay ng biktima.

Una ana ring nagpalabas si Davao City First District Rep. Paolo Duterte ng isang milyong piso na pabuya para sa mga mapagtuturo ng kinaroronan ng mga suspect.

Sinampahan na rin ng kasong Rape with Homicide ang mga suspect