-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa isang traysikel driver sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Ibrahim Budsal,33 anyos,may asawa at residente ng M’lang Cotabato.

Ayon kay M’lang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon na habang namamasada ang biktima sa Barangay Poblacion sa bayan ng M’lang ay dinikitan ito ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nakatakbo pa si Budsal ngunit hinabol ito ng mga suspek at muling pinaulanan ng bala.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Agad namang tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Kidapawan City.

Sa ngayon ay may mga person of interest na posibling may kinalaman sa pamamaril patay sa biktima na patuloy na iniimbestigahan ng M’lang PNP.