-- Advertisements --
Desidido ang pamilya ni hazing victim Horacio “Atio” Castillo III na ituloy ang kasong kriminal at civil case laban sa 30 mga personalidad na sangkot sa insidente ganun din sa University of Santo Tomas (UST).
Sinabi ng ama nito na si Horacio Castillo Jr, nakatuon sila sa pagtapos ng kaso hindi lamang para sa kanilang anak at sa halip ay para na rin sa mga kabataan.
Ang pagkadiin sa korte laban sa fraternitiy member na si John Paul Solano dahil sa kasong obstruction of justice ay nagpatibay pa sa kanilang kaso.
Naniniwala din ang pamilya na dapat mapanagot ang UST sa pagkamatay ng kanilang anak.
Magugunitang napatay sa hazing si Atio Castillo III matapos na ito ay sumailalim sa hazing noong 2017.