-- Advertisements --
IMG baac2464ee0950f3ea80faa82e243c32 V

CENTRAL MINDANAO – Nalungkot at nasaktan ang pamilya at mga kamag-anak ni Reynaldo ”Bebot” Momay sa naging hatol ni Judge Jocelyn Solis-Reyes sa Maguindanao massacre case.

Ang biktima ay isang photojournalist sa Tacurong City na kabilang sa brutal na pinatay na napasama sa convoy ng pamilya Mangudadatu noong Nobyembre 23, 2009.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang bangkay ng biktima na posibleng dinala sa ibang lugar at doon pinatay.

Ayon sa mga kamag-anak ni Reynaldo “Bebot” Momay na masaya sila sa naging hatol ni Quezon City RTC branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes para sa mga 57 biktima ng karumal-dumal na masaker sa Maguindanao.

Ngunit masakit para sa kanila ang pagpapasya ni Judge Solis na hindi kasama sa pinagbayad ng korte ang mga principal accused sa photo journalist na si Momay na siya sinasabing ika-58 biktima ng masaker.

Sa iinilabas na hatol ni Judge Reyes ay 57 lang ang naging biktima at hindi napasali ang kaso ni Momay dahil hindi umano narekober ang bangkay nito kayat isinantabi ang kahilingan ng pamilya na silay mabayaran.

Ngunit positibo pa rin ang pamilya Momay na maihabol ang kanilang apela dahil ipinaabot na ni Atty Harry Roque ang nasabing usapin kay Judge Solis-Reyes.

Umaasa ang pamilya Momay na agad itong maaksyunan ni Judge Reyes at matulungan sila ng gobyerno sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.