DAVAO CITY – Nabuhayan nang pag-asa ang pamilya Jonhson sa naging development sa kaso laban kay Julian Ongpin na huling nakasama sa namatay na Dabawenyang artist na si Bree Jonson.
Una nang naisampa ang kaso ng Department of Justice sa regional trial court sa San Fernando City sa La Union kung saan non-bailable ang reklamo dahil sa paglabag sa RA 9165 laban sa anak ng business tycoon at dating Minister of Trade and Industry Roberto Ongpin.
Kung maalala, narekober na lamang na wala ng buhay si Bree sa isang hotel sa San Juan, La Union noong Setyembre 18 kung saan nakita ang mahigit 12 gramo ng cocaine sa kasamahan nito na si Julian.
Samantalang kasabay ng ika-30 araw mula ng pumanaw si Bree, nagpahayag ang ina nito na si Dr. Sally Jonson, na hinihintay pa rin nito ang imbestigasyon sa pagkamatay sa kanilang anak kung saan desidido silang magsampa ng kasong murder o homicide laban kay Julian.
Una na ring nagpalabas ng precautionary hold departure order ang Regional Trial Court noong Oktubre 8 laban sa nakababatang si Ongpin.