-- Advertisements --
Ibinahagi ng asawa ni Hollywood actor Bruce Willis ang hamon na hinaharap nito matapos na dapuan ng frontotemporal dementia (FTD) ang actor.
Sinabi ni Emma Heming Willis na ang nasabing sakit ay labis na nakaapekto sa kanilang mag-asawa at sa kanilang dalawang anak.
Inamin niya na hirap na ipaintindi sa actor na dinapuan na ito ng nasabing sakit.
Dahil dito ay nagpahayag na ito ng suporta sa Association for Frontotemporal Degeneration at ibinabahagi sa mga tao kung ano ang kanilang dapat na gawin.