-- Advertisements --
Kinumpirma ng kaanak ni Lloyd Cafe Cadena na dinapuan ito ng coronavirus bago ito atakihin sa puso.
Ayon sa mga kaanak nito, nitong Setyembre 1 ng dinala ang 26-anyos na vlogger dahil sa lagnat at pag-ubo.
Nagpa-swab test ito noong Setyembre 3 at lumabas na positibo siya.
Hindi naman nabahala ang kaanak nila dahil sa normal umano ang mga vital signs.
Nagulat na lamang ang mga doctor ng makita na hindi na gumagalaw sa kaniyang higaan si Cardena dakong 5:00 ng umaga ng Setyembre 4 at kinumpirma ng mga ito na siya ay inatake sa puso habang tulog.
Nai-cremate na ito nitong Sabado at dinala na ang abo nito sa Cavite.