-- Advertisements --

Natanggap na ng pamilya Yulo ang ibinahaging tulong ni Politician, businessman at sportsman Chavit Singson na P1 million.

Ito’y kaugnay parin sa pagkakapanalo ni Carlos Yulo ng dalawang Olympic gold medal sa Paris Olympics.

Present ang buong pamilya Yulo na tumanggap ng cash mula kay Singson maliban kay Caloy.

Una nang sinabi ni dating Ilocos Sur Governor Singson na siya ay nag offer lamang ng pagmamahal at pagpapatawad sa pamilyang Yulo.

Dagdag pa nito na walang halaga ng success ang pwedeng makasira sa pagmamahal at respeto sa isang pamilya. Ang pagpapatawad at pag unawa rin aniya ay dapat laging ipinaparamdam ng bawat pamilyang Pilipino.