Dumalo sa pagdinig ng Senado tungkol aa implemetasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang pamilya ng na-convict na si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.
Sumipot sa hearing ang asawa ni Sanchez na si Elvira; at mga anak nilang sina Coun. Ave Marie Tonee Sanchez-Alcid; dating Coun. Allan Sanchez; Anthony Sanchez; at Marie Antonelvie Sanchez.
Una nang inihayag ni Allan na tiniyak umano ni Bureau of Corrections director-general Nicanor Faeldon na makakalaya sa piitan ang kanilang ama.
Kinumpirma ni Mrs. Elvira na nagkausap nga sila ni Faeldon noong August 21 upang linawin ang isyu sa paglaya ng kanyang mister na may petsa sana ng August 20.
Sa naunang pagdinig kahapon, iginiit ni Faeldon na hindi niya raw nilagdaan ang release orders ni Sanchez.
Ngunit inamin ni Faeldon na may pinirmahan daw itong memorandum para sa pagpapalaya sa dating alkalde.