BUTUAN CITY – Nanawagan ng panalangin ang pamilya ni dating Dinagat Islands Governor Glenda Ecleo sa kanilang mga kababayan para sa kanyang paggaling matapos magpositibo ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Ayon sa provincial board member na si Gwen Ecleo-Pols, may pneumonia ang kanilang ina ngunit kahit nasa mabuti naman itong kalagayan ay dasal pa rin ang agarang recovery.
Nagpaalala rin ito na dapat ay “vigilante at” sundin palagi ang mga health protocol upang matigil na ang local transmission.
Unang dinala sa ospital ang dating gobernadora nitong Mayo 23 matapos manghina.
Bagama’t negatibo sa kanyang antigen test sa Municipal Health Office sa bayan ng San Jose, nagpositibo naman ang kanyang antigen test noong ma-admit pati na sa pagpapa-“RT-PCR” sa kanya sa Philippine Red Cross kung saan mayroon siyang mild o hindi malubhang sintomas.
Lima sa kanyang mga house staff ang nagpositibo rin sa COVID-19 at naka-quarantine na upang maaalagaan at maobserbahan.