DAVAO CITY – Proud pa rin ang pamilya ni Nesthy Petecio sa nakamit ng anak sa huling laban nito vs. Sena Irea (irye)ng Japan sa nagpapatuloy na Tokyo 2020 olympics.
Bigo mang makuha ang pangalawang gintong medalya para sa Pilipinas ay masaya pa rin ang ama ni nesthy na si Ginoong Tedoro Petecio, dahil alam niya na ginawa ng kanyang anak ang lahat ng kanyang makakaya.
Para sa kanyang ama hindi umano biro na makamit ang Silver medal.
Samantalang hindi naman mapigilan ng ina nito na humagulhol sa iyak
Sana raw na malapit lamang siya sa ina upang mayakap niya ito dahil alam niya ang nararamdaman nito pagkatapos ng Laban.
Pero napawi ang kanyang pangamba ng tinawagan siya ni Nesthy via messenger mula Tokyo Japan upang ipaalam na ok lamang ito at sinabing alam niya sa kanyang sarili na panalo siya.
Ating pakinggan ang tinig ng ina ni Nesthy petecio
Sa kabilang dako masaya rin ang mga magulang ni Nesthy dahil marami na rin ang nag-pledge para kay nesthy unang una sa isang Condo Init dito sa Davao na worth 10 miliyon pesos habang hindi pa nagpalabas ng mensahe ang LGU ng Davao del Sur ngunit tiyak naman na may ibibigay sila bilang pasasalamat sa karangalan na binigay nito sa bansa, lalong lalo na na sa Probinsiya ng Davao del sur.