DAVAO CITY – Inaabangan ngayon ng buong pamilya ni Nesthy Petecio sa Sta. Cruz, Davao del Sur ang kanyang nakatakdang laban ngayong ala una trayntey nuebe ng hapon laban kay Lin Yu-Ting ng Chinise Taipei.
Sa pakipanayam ng Bombo Radyo Davao sa ama nito na si Teodoro Petecio, inamin nito na kinakabahan siya para sa kanyang anak, pero malaki ang kanyang paniniwala sa lakas at determinasyon nito.
Inilarawan ni Mr Petecio kung gaano ka determinado ang kanyang anak sa mga nakaraang laban nito kaya malaki ang kanyang kompyansa nga makakamit nito ang kanyang panalo ngayon.
Hindi lamang para sa kanyang anak ang panalangin ni Mr Petecio kung hindi para rin sa iba pang mga atletang Pinoy na sumali sa Tokyo 2020 Olympics.
Salaysay pa nito na sanay na ang kanyang anak sa mabibigat na mga laban at hindi umano sa pagmamalaki lahat ng ito ay panalo, kung saan sa mga nakaraang laban nito labing-isang lalaki at tatlo lamang ang mga babae.
Sa edad na unsi anyos sumabak na si Nesthy sa amateur boxing, 13 anyos nang makuha para sa national level at 15 anyos naman nang makapasok sa Philippine Team.