LAOAG CITY – Emosyunal ang pamilya ni Police Gen. Benjamin Acorda sa Barangay 3 sa Bacarra, Ilocos Norte sa pagkakatalaga nito bilang bagong PNP Chief kapalit ni retired Police General Rodolfo Azurin Jr.
Ayon kay Mr. Francisco Acorda Tangongan, ang tiyuhin ni Gen. Acorda, walang pagsidlan ang sayang naramdaman nila nang malaman na ito ang mamumuno sa pambansang pulisya.
Sinabi nito mula pagkabata ay pangarap na ni Gen. Acorda na maging isang pulis at ang kanyang namatay na abogado ng ama ang naging inspirasyon nito.
Inihayag nito na galing din sa hirap ang pamilya ni Gen. Acorda ngunit dahil sa pagsusumikap at determinasyon ay nakamit niya ang kanyang inaasam na maging isang pulis.
Wala rin aniya itong kinasangkutan na anumang away o gulo at walang masang rekord mula pagkabata hanggang ngayon dahil nakatutok ito sa pag-aaral at pagsilbi sa bayan.
Dagdag nito na si Gen. Acorda ay isang mabuting anak at kapatid, at kinalakihan nito ang pagiging masunurin sa kanyang mga magulang.
Samantala, nagpasalamat naman ito kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa tiwalang binigay nito kay Acorda.
Inaasahan naman ni Mr. Tangonan na sa pagiging bagong hepe ng pambasang pulisya ni Gen. Acorda ay mas magiging mapayapa pa ang bansa.