-- Advertisements --

KORONADAL CITY -Positibo ang pamilya ng Pinoy boxer na si Carlo Paalam na mananalo ito laban sa katunggaling hapon sa semifinal round ng men’s flyweight 48-52kg sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics 2020 sa bansang Japan.

Ito ang inihayag ni Michelyn Mae Paalam, kapatid ni Carlo sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Michelyn, mahigpit na panalangin sa maykapal ang kanilang sandigan sa lahat ng laban ni Carlo.

Aminado naman ito na nag-aalala sila sa magiging performance ng kanyang kapatid lalo na at hapon ang makakalaban nito sa kaatugan ni Kosei Tanaka.

Ngunit, inalis umano ni Carlo ang kanilang pangamba dahil ayon sa kanya gagawin nito ang makakaya upang manalo sa laban.

Sa ngayon, patuloy na nagpapasalamat ang pamilya Paalam sa lahat ng mga nananalangin para sa tagumpay no Carlo at umaasa din silang makaabanse ito sa finals upang may pagkakataon na makuha ang gold medal.