-- Advertisements --
CJ Peralta
SC Chief Justice Diosdado M. Peralta

LAOAG CITY – Emosyunal at masayang-masaya si Mrs. Catalina Madarang Peralta, retiradong guro dito sa lungsod ng Laoag at ina ng bagong chief justice (CJ) ng Supreme Court (SC) na si Diosdado Peralta.

Ayon kay Mrs. Peralta, bilang isang ina ay buo nitong ipinagmamalaki ang isa na namang tagumpay ng anak at nagpapasamalat sa Diyos dahil dito.

Inihayag nito na sinabi umano ni CJ Peralta sa kanya na kapag siya ang napiling mamuno ng korte Suprema ay ang ina nito ang unang makakaalam at ibinilin pa umano ng bagong punong mahistrado na huwag ipagkalat.

Sinabi ni Mrs. Peralta na kung ibabahagi niya ang hirap na dinanas ni CJ Peralta mula pagkabata hanggang makamit ang naturang tagumpay ay aabutin ng isang araw at sinabing lumaki sa hirap ang kanilang mga anak.vc

Maalala nitong Miyerkules lamang ay pormal na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Peralta bilang chief justice.

Pinalitan ni Peralta ang kapareho nitong Ilokano na si dating Chief Justice Lucas Bersamin na nagretiro noong Oktubre 19 at ito ang ika-26 na punong mahistrado ng Korte Suprema.

Samanatala, nagdiriwang naman ang mga taga-Ilocos Norte sa tagumpay ni Peralta at itinuturing isa na namang tagumpay ang nakamit ng lalawigan dahil sa bagong punong mahistrado.