-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hindi sapat ang ibinigay na pinansyal na tulong kundi hustisya ang nararapat sa pamilya Villavende.

Ito ang karaniwang hiling ng mga nakiramay ng inihatid sa kanyang huling hantungan ang OFW na si Jeanelyn Villavende na pinatay ng kanyang amo doon sa Kuwait.

Isa rito sinabing hindi mababayaran ng anumang malaking pera ang sakit na nararamdaman ng pamilya sa pagkamatay ni Jeanelyn.

Si Fr. Teresito “Chito” Soganub ang nagmisa kay Jeanelyn kung saan sa kanyang mensahe hiling nito sa gobyerno na dapat ibigay sa kanyang kababayan ang hustisya.

Inilibing ang Pinay worker sa Norala Public Cemetery kung saan mahigit 2,000 na kakilala, kaibigan, kaanak at mga residente ang nakiramay sa pamilya.

Inamin naman ng ama ni Jeanelyn na si Abelardo na inalok sila ng blood money para areglohin na lang ang kaso pero tinanggahin nila ito dahil hustisya ang para sa kanyang anak.