ILOILO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 o “The Anti-Rape Law” ang isang pamilyadong lalaki matapos ginahasa ang isang binatilyo sa San Rafael, Iloilo.
Ang biktima ay si alyas Nonoy, 16, Grade 11 student, residente ng Pavia, Iloilo at pansamantalang naninirahan sa San Rafael, Iloilo.
Ang suspek naman ay si Rey Lagura, 33, residente ng Barotac Viejo, Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. Mary Jane Panes, hepe ng San Rafael Municipal Police Station, sinabi nito na nagmula ang dalawa sa isang birthday party at ng papauwi na tinutukan ng patalim ng suspek ang biktima kung saan pinasok nito ang kanyang ari sa bunganga at pwetan ng biktima.
Inamin naman ng suspek ang panggagahasa kasabay ng depensa na lasing siya ng mangyari ang krimen.