Pinangunahan ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang pamamahagi ng tulong sa mahigit isang libong pamilya mula sa sampong sitio ng Brgy. Kayaga.
Dala-dala ang bigas, delata, at noodles kung saan mababatid ang saya ng mga pamilyang nakatanggap ng agarang ayuda.
Matatandaang makalipas ang ilang araw na walang hintong ulan at pagtaas ng lebel ng tubig sa karatig na lalawigan, tuluyang binaha ang nasabing lugar.
Samantala, patuloy parin ang monitoring ng LGU sa ibang mga barangay ng Kabacan na maaaring mabahaan kapag humupa ang tubig sa nasabing sitio.
Dagdag pa ni Mayor Gelyn na laging naka-antabay ang kanyang tanggapan katuwang ang ibat-ibang ahensya at Sangguniang bayan sa pamumuno ni Vice-Mayor Herlo Guzman upang mag-abot ng ayuda sa mga apektadong pamilya sa baha.