DAVAO CITY – Hindi pa nagpalabas ng kanilang pahayag ang pamilyang Duterte matapos ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na umatras sa kanyang kandidatura sa pagka-Senador para sa 2022 national and local elections sa susunod na taon.
Kung maalala personal na tumungo sa Comelec main office sa Intramuros, Manila ang pangulo para pormal na iatras ang kanyang certificate of candidacy (CoC).
Kung maalala nauna ng sinabi ng kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Sebastian Baste Duterte noong nauna ng nagdesisyon ang kanyang ama na hindi na tatakbo sa kasagsagan ng filing ng COC, na posibleng mananatili na lamang ito sa Davao kung magreretiro na ito sa pulitika.
Samantalang suportado naman ng ilang dabawenyo ang desisyon ng Pangulo lalo na at matagal na itong nagsilbi sa pulitika mula ng maging Mayor ito sa lungsod.
Matanda na rin umano si Pangulong Duterte at mas mabuting ilaan na lamang ito ang oras sa kanyang pamilya.