CENTRAL MINDANAO – Umaabot sa 177 family beneficiaries na naitala na partially damage ang kabahayan na dulot ng nakalipas na paglindol ang nakatanggap ng cash assistance na tig P2,000 sa bayan ng Arakan sa Cotabato.
Abot sa kabuuang P354, 000 ang naipamahagi ng Provincial Government ng Cotabato katuwang ang Provincial Risk Reduction Management Office at ang Provincial Treasury.
Ang benepisyaryo ang mula sa mga sumusunod na barangays: Makalangot, Duroluman, Poblacion, Malibatuan, Meocan, Datu Ladayon, Katipunan, Kabalantian, Datu Mantangkil, Anapulon at Ganatan.
Ipinabot ng Gov Nancy Catamco ang kanyang mensahe sa pamagitan ng video message. Ito ay ayuda bilang dagdag sa una nang commitment n DSWD na P30,000 sa totally damaged at P10,000 sa partially damaged houses.
Layon nito maipambili ng materyales sa pag-sasaayos ng nasirang kabahayan.
Kasama sa aktibidad sina Municipal Councilor Ria Gayatin, MDRRMO Joan Gafate at Gory Paron mula sa Office of the Governor at si Board Member Krista Piñol Solis.