CAGAYAN DE ORO CITY – Papalawakin pa ng isang pamilya ang kanilang blood donation drive sa darating na mga paglunsad ng Dugong Bombo project ng Bombo Radyo Philippines sa mga susunod na taon.
Ito ang pagtitiyak ng padre de pamilya na si Clifford Jose Roa kahit umaabot na sila ng kanyang maybahay na si Tai Jean Paalam – Roa at anak na si Kim Bernard Kobe Paalam Roa ng 77 beses na boluntaryong pagbigay-dugo simula taong 2007.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Roa na hangga’t pahintulutan sila ng panahon at qualified pa magbigay ng dugo ay tuloy-tuloy ang kanilang donation drive para sa Dugong Bombo.
Aniya,magiging apat na sila na sabay-sabay mag-donate ng dugo sa simula taong 2025 dahil sa pagpasok ng isa pa nilang anak na babaye.
Maggugunitang sa 2024 Dugong Bombo: A little pain..a life to gain project sa Hilagang Mindanao na isinagawa sa USTP gym ay nagtala ito ng 625 successful blood donors noong buong araw ng Sabado.