-- Advertisements --
Ipapaubaya na ng Department of Budget Management (DBM) sa mga local government unit kung paano nila ipapamahagi ang P1,000 na tulong pinansiyal mula sa national government.
Ayon kay DBM Secretary Wendel Avisado na maaring ibigay na lamag na cash o i-convert ito sa mga pangunahing bilihin na ipapamahagi sa kanilang mga nasasakupan.
Binalaan din nito ang mga LGU na huwag nilang ibulsa ang nasabing pera.
Magugunitang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposal ng DBM na P23 bilyon na ayuda para sa mga 22.9 milyon benepesaryo sa National Capital Region (NCR) Plus na inilagay sa enhanced community quarantine mula Marso 29 hanggang Abril 4.