-- Advertisements --
GMA gloria arroyo quake


Nagpaabot ng tulong si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa mga biktima ng magnitude 6.1 na lindol sa Pampanga.

Nitong araw ay nag-ikot ang dating pangulo sa burol ng mga nasawi sa malakas na pagyanig noong Lunes, Abril 22.

Ito ay para personal siyang makiramay sa naiwang pamilya ng mga biktima.

Kasama si Pampanga Gov. Lilia Pineda, nagbigay din ang lider ng Kamara ng financial at burial assistance sa pamilya ng mga nasawi.

gloria GMA pampanga quake

Maging ang mga sugatan sa malakas na lindol ay nabahagian din ng financial at medical assistance ng kongresista.