Suportado ni dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo ang naging pasya ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na suspindihin muna ang pagpapatupad ng Implementing Rules and Regulation ng Maharlika Investment Fund Act of 2023 habang patuloy pa itong pinag-aaralan.
Sa isang panayam, sinabi ni Rep. Arroyo na posibleng may dahilan ang chief executive na siyang naging dahilan sa pagsuspindi sa IRR.
Ayon pa sa dating Pangulo, nagtitiwala siya sa instinct ng Pangulo kaya walang mawawala kung kanila itong suportahan ang inilabas na suspension.
Kung maalala naglabas ng memorandum circular ang Malakanyang sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary Lucas Bersamin batay sa naging kautusan ng Pang. Marcos na suspindihin ang pagpapatupad sa IRR sa batas na bumuo sa MIF.
Ang inilabas na memorandum circular ay ipinarating para kay Bureau of Treasury OIC Sharon Amanza, President and Chief Executive Officer Lynette Ortiz ng Land Bank of the Philippines, at President and Chief Executive Officer Michael de Jesus ng Development Bank of the Philippines.
Ang memorandum ay pirmado ni bersamin na may petsang october 12.