-- Advertisements --

“Flattered” si House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo matapos ilarawan ni Pangulong Bongbong Marcos na siya ang kanyang “secret weapon” nang dumalo ito sa katatapos na 29th APEC Summit sa Thailand.

Ayon kay Representative Arroyo, isang karangalan para sa kanya na makatulong sa Marcos Jr. administration.

Pero nilinaw ni Arroyo, hindi siya nagbibigay ng unsolicited advice maliban kung hihingan siya ng payo.

Una rito, sinabi ni Pangulong Marcos, “asset” sa kanyang delegasyon si Arroyo dahil bilang dating pangulo, kilala si CGMA ng karamihan sa mga world leader na dumalo sa APEC Summit sa Bangkok.

Una ng inihayag ni Arroyo na kuntento siya sa ipinakitang performance ng Pangulong Marcos Jr sa APEC Summit dahil maganda ang naging impresyon ng mga world leaders sa kaniya.