-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO -Laking gulat ng isang negosyante nang dalhin at nais ibenta ng mga kabataan ang isang pampasabog sa probinsya ng Cotabato.

Sinabi ni M’lang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon na isinilid ng mga kabataan sa sako ang isang UXO o Unexploded Ordnance at ibebenta sana sa isang mangangalakal sa Barangay New Antique Mlang Cotabato.

Laking gulat ng negosyante dahil ang laman ng sako ay 81mm high explosive projectile kaya agad niyang pinaalam sa mga otoridad.

Tinurn-over sa pulisya ang pampasabog at kinuha ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army.

Sa ngayon ay inaalam pa ng M’lang PNP kung saan napulot ng mga kabataan ang pampasabog.