Isang malakas na uri ng Improvised Explosive Device (IED) ang na-defused ng mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na nakita mismo ng mga sibilyan ang iniwang bomba sa gilid ng kalsada sa Sitio Matambabay Brgy Kabpangi Libungan North Cotabato.
Agad tumawag sa Libungan PNP ang mga opisyal ng Barangay Kabpangi kaya mabilis itong nagresponde at kinordon ang kinalalagyan ng IED.
Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army at de-nifused ang IED na gawa sa 81 mm high explosive projectile.
Posibling kagagawan ng ilang armadong grupo ang iniwang bomba at gustong maghasik ng lagim sa taumbayan.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa probinsya ng Cotabato.