-- Advertisements --

mortar

Agad rumisponde ang mga tauhan ng Taguig PNP Explosive Ordnance Division team hinggil sa nakuhang impormasyon na may nakitang unexplosive ordnance o pampasabog sa Ilang Ilang St, Zone 1 North Signal Taguig City.

Bago pa pinuntahan ang lugar nagsagawa muna ng assessment ang bomb squad team at saka isinagawa ang Render Safe Procedure (RSP) sa nadiskubring vintage bomb na isang 60 MM, HE, Projectile.

Iniimbestigahan na ng Taguig Police kung saan nakuha ang nasabing pampasabog.
Umapela si NCRPO chief MGen. Debold Sinas sa publiko na agad ireport sa otoridad kapag may nadiskubring pampasabog para maiwasan ang anumang aksidente.

” The immediate response of the team is commendable. Fortunately, none of the resident is hurt. We request the public to report any similar cases and you can be assured that the team EOD NCRPO will come to ensure your safety,” wika ni MGen. Sinas.