-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Nasabat ng militar mula sa hideout ng mga nakaengkwentrong miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang isang improvise explosive device at ilang mga kagamitan sa Brgy. Bagong Silang, Dumingag, Zamboanga del Sur.

Sa report ng 53rd Infantry Battalion, umabot umano sa 15 minuto ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng Task Unit Kaiser na kinabibilangan ng 53rdIB, 97thIB at 102IB Philippine Army laban sa mga NPA.

Kabilang sa mga nakumpiska ang mga electric wires, tatlong battery, isang smoke grenade, solar panel, isang sphygmomanometer, ilang mga medical supplies at iba pa.

Wala naman umanong napaulat na nasugatan mula sa hanay ng mga kasundaluhan habang patuloy naman ang ginagawang pursuit operation ng kanilang tropa laban sa mga terorista.