-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng takot sa mga sibilyan ang nadiskubreng pampasabog na iniwan sa isang paaralan sa syudad ng Cotabato.
Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Rommel Javier na isang concerned citizen ang tumawag sa himpilan ng Police Precinct 1 sa granadang natagpuan sa bubong ng CR sa Rojas National High School.
Naglalaro umano ang ilang kabataan ng madiskubre nito ang Granada sa bubong ng palikuran ng naturang paaralan.
Agad namang nagresponde ang mga pulis kasama ang Explosive Ordnance Disposal Team at ligtas na kinuha ang eksplosibo kung saan pinasabog ito sa ligtas na lugar.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa iniwang Granada sa palikuran ng Rojas National High School.