-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ngayong inaalam ang kabuoang bilang sa mga sakay sa bachelor bus na nahulog sa bangin pasado alas 8:00 kagabi sa National road sa may Pulang Lupa, Barangay Dulag nitong lungsod ng Butuan.

Ngunit sa nakuhang impormasyon galing kay Barangay Kapitan Darling Amoy sa Barangay Dulan, hindi bababa sa 30 mga pasahero ang sakay sa bus na may body number 3709 na galing sa San Luis at patungog sanang Butuan City nang mangyari ang nadisgrasya.

Ayon sa kapitan na marami ang sugatan sa aksidente kasama nito ang mga bata. Ngunit ang mas malala ay ang drayber sa bus na si Joven CariƱo Vuelban, 40-anyos, binatag na residente sa Purok-3, Brgy., Sumilihon, Butuan City dahil sa pagka-ipit nito na siyang pinakahuling nakuha sa ginawang rescue operation.

Sa inisyal na impormasyuon galing sa pulisya, nawalan ng kontrol sa manubela ang drayber sa bus dahil sa madulas na daan at hindi pa gumana ang brake dahilan sa pagkahulog nito sa bangin.

Dinala ang lahat ng pasahero sa Butuan Medical Center matapos nagtamo ng minor injuries habang ang drayber ay dinala naman sa Butuan Doctors Hospital.