-- Advertisements --
Bumagsak sa residential area sa Brazil ang isang pampasaherong eroplano.
Ang nasabing eroplano ay may sakay na 61 katao kung saan tumama ito sa maraming mga kabahayan sa Sao, Paulo.
Sinabi ni Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva, na maaring walang nakaligtas na sa pasahero sa insidente.
Base sa imbestigasyon nang Voepass plane ay umalis sa Cascavel at ito ay dumaan sa Sao Paulo ng biglang bumagsak.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.