-- Advertisements --

Natanggal ang gulong ng isang pampasaherong eroplano habang ito ay papalapag sa Denver.

Galing sa Los Angeles ang United Airlines jet at ng papalapag na sa Denver ay natanggal ang landing-gear wheel.

Walang naitalang anumang sugatan na pasahero o crew sa nasabing insidente.

Ayon sa United Airlines na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon kung paano natanggal ang gulong ng United Flight 1001 na isang Boeing 757-200.

Magugunitang noong Marso ay isang United Boeing 777-200 jet naman ang natanggalan ng gulong habang ito ay nasa himpapawid mula San Francisco at ligtas na nakalapag Los Angeles International Airport.