-- Advertisements --

Napilitang mag-emergency landing ang isang pampasaherong eroplano sa Brazil matapos na tamaan ng ibon ang harapan nito.

Nawasak ang harapang bahagi ng Airbus A321 matapos ang pagtama ng isang ibon.

Base sa imbestigasyon na kaka-take off lamang ng LATAm Airlines sa Galeao Airport sa Rio de Janeiro at patungo sana ito sa Sao Paulo ng tumama ang ibon.

Wala namang nasugatan sa mga pasahero at crew ng eroplano kung saan sila ay ligtas na nakalabas ng eroplano matapos na ito ay lumapag.