-- Advertisements --
Ligtas na nakalabas ang mga lulan ng pampasaherong eroplano matapos na masunog ang bahagi ng makina nito.
Ayon sa Federal Aviation Administration (FAA) na ang Delta Air Lines Flight 1213 ay palabas na ng gate ng Orlando International Airport patungo sa sa Hartsfield-Jackson Atlanta International Airport ng mangyari ang insidente.
Habang papalipad na ang nasabing eroplano ng biglang magliyab ang bahagi ng makina ng eroplano.
Walang nasugatan sa bahagi ng mga pasahero at sila ay agad na inilipat sa ibang eroplano.