-- Advertisements --

Tinamaan ng bala ng baril ang pampasaherong eroplano sa Beirut, Lebanon.

Ang Middle East Airlines (MEA) ay galing sa Jordan ay tamaan ng ligaw na bala habang papalapag na sa paliparan ng Beirut.

Wala namang naitalang natamaan sa nasabing insidente.

Ito ang unang pagkakataon na tinamaan ng ligaw na bala ang umaandar na eroplano sa nasabing bansa.

Malaki ang paniniwala ni MEA chairman Mohamad El-Hout na mula bala sa ilang residente na nagpapaputok ng baril tuwing may kasiyahan.

Nanawagan na lamang ito na dapat tigilan na ang ganitong kasanayan tuwing may okasyon dahil sa malaking disgrasya ang dulot nito.