-- Advertisements --
Agad na inilikas ang 176 na pasahero ng Air Busan Airbus A321 na matapos na masunog ang isang bahagi nito.
Patungo sana sa Hong Kong galing sa Gimhae International Airport sa southeastern Busan ang eroplano ng ito ay masunog.
Kabuuang 169 na pasahero at pitong flight attendants at staff ang mabili na inilikas.
Mayroong tatlong katao ang nagtamo ng bahagyang sugat sa katawan kung saan naapula ang apoy matapos ang mahigit tatlong oras.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing sunog.