-- Advertisements --

BAGUIO- Nasunog ang isang pampasaherong jeep habang papunta ito sa Abra-Ilocos Norte Road sa Mudeng, Lapaz, Abra.

Ayon sa interview ng Bombo Radyo Baguio kay PLt. Ronaldo Lapra, hepe ng La Paz Municipal Police Station, sinabi niya na agad na nagresponde ang mga pulis na nakabanbantay sa checkpoint na malapit sa pinagyarihan ng nasabing insidente.

Sinabi rin niya na agad nilabas ng mga pulis ang dalawang pasahero ng jeep kung saan nakilala ang mga ito na sina Ronaly Callangan na residente ng Poblacion, La Paz at Remedios Lopez na residente ng Buli, La Paz bago sila naitakbo sa pagamutan.

Kinilala din ni PLt. Lapra ang driver na si Renato Medrano Balucas, 56-anyos at residente ng Canan, La Paz, Abra.

Agad naman na nakarating ang mga bombero para apulain ang nasabing sunog.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nasabing insidente para malaman ang totoong dahilan na nagmulan ng nasabing sunog kahit sa inisyal na imbestigasyon ay pinaniniwalaan na ang dalawang galon ng gasolina na laman nito ay nagresulta sa sunog.

Dagdag niya na sa salaysay ng pasahero ay unang nagmula ang sunog sa likuran ng jeep na nailagyan ng isang galon ng gasolina hanggang sumiklab ito sa makina ng sasakyan.

Naipayo naman ang pagbibigay tulong sa mga sugatan na pasahero.