-- Advertisements --

VIGAN CITY – Pinilahan ng ilang mga successful blood donors sa isinagawang Dugong Bombo 2019 sa lungsod ng Vigan ang pampering services, kagaya na lamang ng masahe na handog ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)- Ilocos Sur ngayong taon.

Ilan sa mga blood donors ang labis na natuwa dahil sa extra service na ibinigay ng Bombo Radyo sa kanila dahil maliban sa snacks at T-shirt na naibigay sa kanila kapalit ng dugong kanilang nai-donate, may libre pa silang masahe.

Maliban sa mga personnel ng Philippine National Police mula sa Ilocos Sur Police Provincial Office at mga police stations sa lalawigan, nakilahok din sa nasabing blood letting activity ng Bombo Radyo ang iba’t ibang fraternity at sorority, pati na mga guro, estudyante at mga indibidwal na maituturing na Bombo Galloner.