CENTRAL MINDANAO-Tumaas pa ang kaso ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa probinsya ng Cotabato.
Nagkroon na rin ng shortage of medical oxygen sa mga pampublikong pagamutan.
Ito mismo ang kinomperma ni Integrated Provincial Health Office (IPHO-Cotabato) Chief Dra Eva Rabaya.
Mga ospital na kinukulang ng mga medical oxygen ay ang mga sumusunod;
1) Amado Diaz Foundation Provincial Hospital
2) Alamada Provincial Community Hospital
3) Aleosan District Hospital
4) Arakan Valley District Hospital
5) Mlang District Hospital
6) Fr. Tulio Favali Municipal Hospital sa Tulunan
7) President Roxas Provincial Community Hospital
8) Cotabato Provincial Hospital
Mahigpit ngayon ang panawagan ni Dra Rabaya sa lahat na iwasan na ang pagpunta sa matataong lugar at tiyakin na may pananggalang laban sa Covid 19.
Matatandaan na tatlong Barangay sa bayan ng Midsayap ang isinailalim sa granular lockdown dulot nang pagsipa ng mga nagpositibo sa Covid 19.