-- Advertisements --

KALIBO, AKLAN – Nasunog ang Kalibo public market kaninang madaling araw.

Nasira ang karamihan sa mga stalls at halos walang natira sa mga paninda matapos ang nangyaring sunog.

Sa panayam ng Bombo Radyo Kalibo kay Provincial Fire Marshall Nazrudin Cablayan, imbestigador ng Bureau of Fire Protection (BFP) ipinahayag nito na pasado alas- 12:15 kaninang madaling ng makatanggap sila ng report na may nangyayaring sunog sa naturang lugar.

Kaagad rumesponde ang mga bumbero kung saan umabot pa ito sa 3rd alarm dahil kinakailangan pa nila ng tulong mula sa iba pang municipal fire station dahil sa napakalakas na apoy.

Makalipas ang halos 3 oras ay idineklara itong fire-out sa tulong ng apat na municipal fire station mula sa bayan ng New Washington, Numancia, Balete at Libacao.

Samantala, ayon naman sa isangb Security Guard na nakilalang si Bendoy nagsimula ang apoy sa linya nang kuryente na parang may tumutunog at mabilis itong kumalat.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente at inaalam pa kung magkano ang kabuuang halaga ng pinsala sa nangyaring sunog.