-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinagawa ngayong araw ang Dinagyang Festival 2023 “Pamukaw”.

Ang salitang “Pamukaw” ay Hiligaynon term ng “Gising Na.”

Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, matapos ang dalawang taon na mahigpit na pagpapatupad ng restrictions dahil sa pandemya, muling nagbabalik ang face-to-face na Dinagyang Festival.

Layunin ng Dinagyang “Pamukaw” ayon sa alkalde ang masimulan na ang ‘festive mood’ habang naghahanda ang mga Ilonggos sa taunang selebrasyon sa susunod na buwan.

Hindi kagaya noong mga nakaraang taon, ang “Pamukaw,” ngayon ay walang parada ang mga tribu at sa halip ay naglibot lang ang mga drummers sa lungsod.

Tema ng Dinagyang Festival ay: “Iloilo Dinagyang 2023: Pasalamat kay Señor Santo Niño.”

Napag-alaman na ang Dinagyang Festival ay kinilala bilang grand champion sa Best Tourism Event sa Contemporary/Non-Traditional Expression category sa isinagawang Association of Tourism Officers of the Philippines Pearl Award sa Tagaytay City.