-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umaasa ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Australia na matatapos na ang nangyayaring trade war sa gitna ng China at Australia.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Gerald Llorente, isang butcher sa nasabing bansa at tubong Koronadal City, labis silang apektado lalo na’t iniutos ng Beijing ang ban sa meat industry na mag-eexport sa kanila.

Gumanti naman ang Australia ng 80% increase na taripa sa barley.

Nag-ugat ang nasabing trade war matapos isinulong ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang isang international investigation kaugnay sa pagkalat ng COVID-19 kung saan nagsimula umano ito sa China.