-- Advertisements --
Hinikayat ni Pope Francis ang mga mananampalataya na maging simple.
Ito ang naging laman ng mensahe ng Santo Papa sa Solemnity of the Nativity of the Lord o ang pagsalubong sa kapaskuhan na ginanap sa St. Peter’s Basilica sa Vatican.
Naging limitado lamang ang pinayagang dumalo sa misa dahil sa ipinapatupad na health protocols bunsod pa rin ng banta ng COVID-19.
Ayon sa Santo Papa na gaya noong isinilnang si Hesus Kristo ay naging simple ang lugar kung saan ito isilang.
Bumaba ang Panginoon sa bawat tao kaya nararapat na gayahin natin ito.
Mahalaga aniya na imbitahan natin ang Panginoon sa bawat tahanan na siyang magpapagaling sa anumang pinagdadaaanan ng isang tao.