Mahigpit na ipagbabawal ng Department of Education (DepEd) ang pamumulitika sa graduation at recognition ng mga mag-aaral para sa taong ito.
Ito ay matapos sabihin ng DepEd na graduate na sa virtual ceremony ang mga paaralang nasa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2 ayon sa Department of Education (DepEd).
Ibig sabihin kasi ay mapapahintulutan na sa mga ito ang pagsasagawa ng tradisyunal na face-to-face graduation march at ceremony basta’t may pahintulot ito ng mga magulang ng mga mag-aaral, maging ng lokal na pamahalaan.
Habang mananatiling virtual ceremony ang isasagawa sa mga paaralang nasa mga lugar na nasa ilalim ng Alert 3, 4 at 5.
Binigyang-diin ni DepEd Assistant Secretary for Curriculum and Instruction Alma Torio, ang mahigpit na pagsunod sa sa DepEd Order No. 48 s. of 2018 o ang pagbabawal sa Electioneering at Partisan Political Activity.
Paliwanag niya, ang End-of-School-Year rites kasi ay isinasagawa sa isang solemn at dignified na pamamaraan kung kaya’t hindi dapat ito gamitin bilang political forum.
Samantala, upang matiyak naman na malaya ito mula sa mga pamumulitika ay hiniling ng DepEd sa mga paaralan na tiyakin na ang guest speaker ay dapat ituon ang kanilang mag mensahe sa tema itinakda ngayong taon na tinawag na “K to 12 Graduates: Pursuing Dreams and Fostering Resilience in the Face of Adversity”.
Sa kabilang banda, sinabi ni Torio na ang recognition rites para sa iba pang grade level ay maaari ding isagawa sa isang limitadong face-to-face setup. Gayunpaman, ipinaliwanag niya na kung gagawin sa isang limitadong face-to-face setup, dapat itong isagawa nang hiwalay sa graduation rites o moving up/completion ceremony upang matiyak ang physical distancing at pagsunod sa Inter-Agency Task Force (IATF) health protocols. Bukod dito, ipinaalala ni Torio na para sa mga pampublikong paaralan, ang mga gastos na gagawin kaugnay sa pagsasagawa ng aktibidad ay sisingilin laban sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng paaralan.
Kaugnay nito, sinabi ni Torio na “walang opisyal o tauhan ng DepEd ang papayagang mangolekta ng anumang uri ng kontribusyon o graduation fee, moving up/completion ceremony o recognition rites.”