“There’s no room for politics in matters of public welfare.”
Ito ang sagot ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Pinol kay dating Candaba, Pampanga Mayor Gerry Pelayo kasunod nang deklarasyon bird flu outbreak.
“I’m asking Mayor Pelayo to shut up because he is not an expert or authority on animal diseases, much more Avian Influenza,” mensahe ni Pinol kay Pelayo.
Una rito umalma si Pelayo sa pagdeklara ng DA na avian flu outbreak sa bayan ng San Luis sa lalawigan ng Pampanga.
Sinabi ni Pelayo na ang nasabing anunsiyo ng DA ay magiging sanhi ng massive losses sa mga farmers cooperatives na kaniya umanong pinaghirapan na i-organize.
Nilinaw ni Pinol sa kaniyang official Facebook page na hindi niya sinabi na mula sa migratory birds ang sanhi ng bird flu outbreak.
Paliwanag ng kalihim na tinitingnang ng mga imbestigador ngayon ang lahat ng mga posibleng anggulo para matukoy kung saan nanggaling ang nasabing virus.
Giit ni Pinol,  kabilang sa kanilang iniimbestigahan ay ang mga migratory birds, smuggled ducks o chicken mula China at iba pa.
“The outbreak in San Luis could not be Avian Flu, as if he is more authoritative than the four laboratories which confirmed that the death of 37,000 fowls in San Luis was caused by Avian Influenza Type A Sub-type H5,” wika pa ni Pinol.
Tiniyak naman ng kalihim na sa susunod na dalawang araw na lahat ng mga poultry farms ay ma-clear and disinfected.
“With God’s grace, things will be back to normal in three months and the Agriculture Department will help affected farmers get back on their feet again with calamity assistance and low interest loans,” dagdag pa ng kalihim.