-- Advertisements --
Nanawagan ang namumuno ng EDSA Shrine sa mga tao na nagtutungo para magsagawa ng kilos protesta na obserbahan ang katahimikan lalo na at sagrado ang lugar.
Sinabi ni Rev. Fr. Jerome Secillano, na kanilang papayagan ang mga tao basta sila ay magdasal.
Mahigpit nilang ipinagbabawal ang anumang kaguluhan dahil ito ay simbahan aniya.
Muling ipapanawagan niya na ang pagkain, pag-inom, paninigaw, vlogging, pag-iingay at pakalat-kalat sa harap ng pintuan ng simbahan ay mahigpit na ipinagbabawal.
Magugunitang nagtipon-tipon nitong Martes ng gabi ang mga taga-suporta ni Vice President Sara Duterte para kontrahin ang panunupil umano sa kaniya ng mga mambabatas.