CAUAYAN CITY- Walang anumang pagtutol na natanggap ang Isabela State University System sa pagtanggal ng mga subersive materials sa kanilang unibersidad.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Ricmar Aquino, President ng ISU System na suportado ng CHED ang kanilang hakbang na pagtanggal sa ilang subersive materials na kinabibilangan ng mga libro at pamphlets.
Ayon kay Dr. Aquino, karapatan ng bawat academic institution na piliin ang mga programa na dapat ituro sa mga mag-aaral na kinabibilangan ng mga libro o references na maaaring gamitin ng mga mag-aaral.
Ang mga subersive materials na kanilang natanggal ay maaari anyang may epekto o wala sa isang mag-aaral.
Nais anya nilang ibigay ang mga references sa mga mag-aaral na makakatulong upang ma-developed ang kanilang mga kakayahan at skills para mabigyan ng magandang kinabukasan sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral.
Ang mga subersive materials ay dumating sa pamamagitan ng courier at nakitang ito may kaugnayan sa makakaliwang pangkat.
Dahil ang ISU ay isang government institution ay karapatan nilang alisin ang natukoy ng mga otoridad na subersive materials sa kanilang pamantasan .
Samantala, mayroon nang ipinalabas na guidelines ang Department of Education (DedEd) at Department of Health (DOH) para sa pagpapatupad ng face to face classes.
Ang unang pinayagan para sa pra sa face to face classes ay ang mga health related programs tulad ng Medicine at nursing.
Hiniling anya ng ISU ang pagkakaroon ng face to face classes para sa Nursing at kasalukuyan ang evaluation sa kanilang request.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga LGUs na magbigyang prayuridad na mabakunahan ang mga mag-aaral at iniaalok na rin nilang vaccines sites ang kanilang campuses.