-- Advertisements --
MRT 3

Muling nanindigan ang Metro Manila Rail Transit na hindi nila maaaring palawigin pa sa mas mahabang oras ang operasyon ng kanilang mga tren.

Ginawa ng pamunuan ang pahayagan kaugnay sa panawagan ng United Filipino Consumers and Commuters na palawigin pa hanggang hating gabi ang kanilang operasyon.

Ito ay upang mapagsilbihan pa aniya ang mas marami pang mga mananakay na inaabot ng hating gabi ang trabaho.

Paliwanag ni MRT-3 Director for Operations Engr. Oscar Bongon, kailangang magkaroon ng sapat na pahinga ang mga tren.

Ito ay upang matutukan ng maayos ang maintenance nito.

Sa ganitong paraan rin ay maiiwasan ang anumang aberya at delay sa operasyon.

Aniya, ang pagkaantala sa maintenance activity ng mga tren ay posibleng ring makaapekto sa rail system.

Giit pa nito na iisa lamang ang linya ng rail system sa ating bansa.